tried being here in this business...
got lots of comments, but here is a good depiction of a call center environment.
Hello
By summer
garbage in, garbage out. yan ang ginagawa ko sa mga impormasyon
na naririnig ko sa mga walang kwentang mga amerikano na
nakakausap ko gabi gabi. nakakatawa na ang trabaho ko e makinig sa sandamukal na reklamo ng mga banyagang puti at tulungan sila sa mga isyu nila. ansabi nila sa ken nung mga vets (veteran)dati
nung training, wala daw ako listening skills. e tang ina wala naman talaga. kase hindi pumapasok sa utak ko ang pinagsasabi ng mga customers ko. pero tanga naman ang mga kano at akala nila iniintin
di ko mga suliranin nila. paki ko ba? ang alam ko mashado na akong sanay sa mga spiels ko at pumikit man ako at matulog, makakapagbigay pa din ako ng customer satisfaction at perpektong
performance base sa mga metrices ng kumpanya. hindi ko kailangan maging henyo para maging multitasking. kaya ko mag email, mag im, mag make up, makinig sa aking dell dj sa kaliwang tenga ko habang nakasabit ang headset sa kanang tenga. at lagi akong malas kase
minsan nakakatabi ako ng mga likas na bobong ahente kaya pati escalation ng calls, sinasalo ko na rin. habang ginagawa ko lahat un, siempre pa gumagana utak ko at nagbibilang palagi kung kung kelan na naman kaya ang sweldo.
Nakakaexcite ung para kang nasa isang lugar at iba iba ang personalidad ng mga kasama mo.Nasisiyahan ako na manood ng iba't ibang tao, mabawasan man lang ang pagkainip. At pag may gusto
mag invade ng privacy ko, isa lang ang sagot ko, â??Iâ??m very privateâ??. Itâ??s a subtle way of saying na, â??fuck donâ??t mess with me asshole, can u see Iâ??m elusive?â?? Am i speaking in greek here? I'l give u a clear picture on the call center industry.
nakakatawa ang buhay call center. pagdating ng gabi, mistula kaming mga aswang na nagsisipaglabasan sa mga lungga namin. kanya kanyang ligo, bihis, at pagpapahid ng concealer para matakpan ang
maiitim na palibot ng mata dala ng pagpupuyat. habang pauwi ang mga regular na manggagawa, ayun kame nakikipagsiksikan sa daan papasok naman sa opisina. di na bago ung mahold up ka habang
nagbibiyahe kase kasama lahat un sa industriyang ito, ung risk na madisgrasya ka sa dilim habang bumibyahe dahil sa antok at siempre pa dahil matatalino ang mga holdaper kabisado na din nila ang
schedule ng mga taga call center. Alam ko labis naming napapasaya ang mga taxi driver kase pinapayaman naming sila. Dahil nga sa alangananing oras na, mas convenient sumakay ng cab. Iwas pagod,
iwas late. pagdating sa opisina, animo robot na mag lolog in, kukunin ang headset sa locker at aariba na sa pagtanggap ng calls. sa lamig ng aircon na akala mo nasa alaska ka, nakakalungkot minsan. kaya
dapat ang kajamming mo ay ang makapal mong jacket na hindi mo na rin napapansin kung ilang linggo ng di nalalabhan. at makuntento ka na lang sa paghaplos sa picture frame ng mga mahal mo na katabi ng monitor mo. at isipin na sa mga oras na un, mahimbing na siguro tulog nila.
sa breaktime, makikita mo kung sino ang likas na epal. panay ang hingi ng yosi, tang ina akala mo may patago. sa sobrang kakapalan ng mukha, pati lighter hihiramin na din at kung may kendi ka sasamantalahin na din un. ganun lang kakaswal ang ibang tao, sa
sobrang pagpupuyat siguro, tinakasan na din ng hiya sa katawan. siempre pa hindi mawawala ung mga pabibong mga kwento na
nakakasuka naman talaga. kadalasan, ung mga feeling bibo at sikat, at epal, kung kakamustahin mo mukha, parang "dead man living"ang
itsura. haha!!! kung mga feeling gwapo na saksakan ng pa cute,mga poser lang. at ung mga babaeng pa cute din, e mga tamang insecure lang na pa cool. papampam ika nga.
sa call center industry ka lang din makakakita ng iba't ibang
klase ng tao, na sobrang extremes. meron ung mukhang hindi naliligo, at siguro hindi talaga naliligo. kase pag nilapitan mo, either amoy kama oamoy panis na laway. or minsan, amoy lupa na sa kapal
ng libag. At may counterpart ang mga amoy lupa, kase meron din mga tao na sobrang bango talaga. Sila ung mga mejo elitista, pati amoy. Ito ung grupo na mapapalingon ka hindi dahil sobrang ganda nila kundi dahil sa amoy. Kahet simple lang bihis at hindi ganun ka oa
mag damit, trademark na nila ang pabango. Siguro itâ??s a subtle way of showing those mababaho na, â??hey move over, polluted na ang hangin sa mga germs moâ??. Hindi lang un, meron din ung mga babae na
kala mo gabi gabi may fashion show, sa lamig ng aircon hindi tinatablan kase kampante sa pagsusuot ng tube top o tank top at micro mini at stiletto kasehodang carpeted at mahirap ilakad sa floor.
walng takot mapulmonya basta ng importante fashionable. at laging fully made ang mukha, makapal ang eyeshadow, at blush on na kala mo nasapak ang magkabilaang pisngi dahil sa pamumula. sila ung maririnig mo na malakas tumawa habang nagyoyosi at may kwento tungkol sa gimik at sa
mga gwapong nakadate nila o sa mga boyfriends nila. kung gano ka revealing ang suot, ganon din mag reveal ng personal na buhay.
may mga tao din na tamang simple lang, cool lang ang diskarte sa buhay, pati sa kwentuhan, may sense pero
hindi naman pabibo mashado at papansin. sila ung madaling pakisamahan at hindi dragging kasama. at may lalim bilang tao, walang mashadong angst at insecurities. hindi rin mawawala ung mga band members, ung mga rakista na nakasuot lagi ng kulay itim,
at magugulo ang buhok, kadalasan mga long hair. sila ung makikita mo sa elevator na naka shades, animo vampire, tinatakpan ang matang mamula mula di mo mawari kung dahil sa droga o sa pagpupuyat. at pamilyar na naka side bag sila, naka sneakers, torn jeans at siempre pa may head phones sa tenga,(hindi earphones) at patango tango na kala mo gago habang kumakanta. sila ung mga
klase ng taong babati sayo ng "ei bro what's up?" or ung magsasabi ng "tol, ano
trip?" at dahil walang age limit,hindi na bago ung makakakita ka ng upbeat teenager o mga nanay na kala mo nag day off lang sa pag aalaga sa mga anak nila haha!!! meron naman ung mga lalaki na pa
close na akala mo wala ng bukas at hayup kung makatsansing, very casual, swabe lang talaga na minsan mararamdaman mo na parang sinasamyo lahat ang bango mo pag nakikipag beso beso. at siempre
hindi mawawala ung mga geek at nerd, na kadalasan nasa sulok lang nagmamasid
masid na kala mo others. sila ung pag kinausap mo, mashadong techy na lahat ng chip ng computer e kaya ipaliwanag sayo isa isa pati function nila. kung hindi techy, sila ung mga tipong mapapahiya
ka pag nagkakwentuhan tungkol sa movies o books kase hihiritan ka ng mga mga titles na ni sa panaginip e hindi
mo na encounter at mapapaisip ka bigla, na tipong, "tang ina bobo ko na yata." ung ganon.
At siempre pa kung mga nurses at doctors ay may medical terms, sa call center, uso ang jargon. Minsan kahit sa simpleng kwentuhan, nadadala pa. Ung out of nowhere, sasabihin sa mommy na, â??my
nakakaasar, may ir na ko, ob na naman ako kaninaâ?? at ang mommy na nakikinig sa kwento ng anak ay magtatanong sa isip niya, ano kaya ang ob? Iispin nya kung anong offense, un pala, overbreak lang. O kaya sa kalagitnaan ng emerald avenue, tatawagin mo ang chum
mo na taga kabilang callcenter, â??tol, yb muna tayo!!!â?? (yosi break) O di kaya naman sa kahabaan ng pila sa ministop, kakalabitin mo ung kasamahan mo, â??pare una na ko, naka aux 2 lang ako e.â?? At pag may nakita kang dati mong manager, bago magbeso beso, may kasama pang excited na tili na â??tc!!!!! Musta ka na?â?? sa mga normal na tao,
iispin, baâ??t kaya ang daming tc na pangalan. Un pala team captain un. Or pag may bagong chika about u, imbes na sabihin, â??tol nagkalat ka na naman ng lagim.â?? Ang sasabihin, â??tang ina tol, na ka livewire ka ngayon. E ang livewire, un ay isa sa mga ginagamit naming na application sa computer. Nakakalito dba?
maraming malaswa sa mundo. pero sa call center, kaswal ang babuyan. ung iba pinapaganda at tinatawag na call center romance. tang ina. plastic dba. di na lang sabihin na lust o libog lang talaga. may kategorya ang mga babaeng kayang maglaro ng ganun. meron
tinatawag na floor slut, or ung patikim sa lahat, may mga bitch na mejo mahirap i-handle kase high maintenance. Kailangan samahan mo muna magshopping at siempre pa, credit card mo kakaskasin at depende kung gano kagalante ang guy. Sasamahan pa un
ng, â??kawawa naman si daddy, may diabetes, ako nga bumibili ng medicines nya e.â?? with matching palungkot mata effect. Hindi naman magdadalawang isip ang poor guy na maglabas ng pera kase kasama sa pagpapasikat. At iisipin, sulit naman sa kinis nito. saka na magdedecide ang bitch na sabihin, â??I had fun, ur so sweet, letâ??s drink n will take it from thereâ?? . so mejo read between the lines ang
drama. Parang kolehiyalang naghahanap ng benefactor. at meron din namang mga private whore. ung ang nakakatikim lang e ung poging tl o operations manager. depende sa trip ng mga babae. depende kung gano kagaling magpanggap na mahinhin. at depende kung gano ka kadaling yayain at kung gano ka available. depende na rin
sa diskarte ng mga lalaki. hindi na bago ang mga sex scandal. sa mga fire exit maraming
mga milagrong pangyayari na ang saksi lang e ang mga tahimik na hagdanan. at mga mga anasan at ungol na may pagmamadali at bka mahuli ni manong guard. sa mga parking lot, lalo na sa basement, anjan ung dahil sa pagtitipid sa oras e nagkakasya na lang sa loob
ng kotse at doon nagpaparaos. sa mga madidilim na stations pag maaga pa at wala pa ang ibang teams, hindi na rin bago ang panakaw na haplusan at kung ano ano pa. siempre iba pa ung trip nila after shift, depende kung nadala sa inuman o nagkukunyaring magbarkada pero may malisya naman. tamang fubu o fucking buddies. no emotional attachment at all. just physical.
mahirap maging disente, mahirap magkwento ng tungkol sa moral values kase tingin ng iba, weirdo ka. o di kaya wala kang sexappeal, or worst, frigid ka lang talaga. ang mga lalaki man, puro kaladkarin. mga may asawa sa umaga, binata naman sa gabi. o minsan talamak na makapal ang mukha at proud pa na may pamilya na sila pero
hayun at nagkakasala. hindi mo rin sila masisi, kase ung mga babaeng pumapayag sa
ganong set up, e kadalasan tigang din, may asawa din at gusto lang din mag explore. mahirap din naman mag condemn kase magmumukha kang tsismosa. kumbaga, mind ur own business na
lang talaga. bilang lang ung matino. at mahirap silang makita kung hindi matalas ang paningin mo kase merong mga mapagpanggap. i mean madami, at minsan napakahirap talaga magtiwala kase hindi mo naman nakikilala talaga ng totoo ang tao sa ganitong industriya.before u know it, bigla na lang naglalaho ung iba. ang pangit lang kase,ang mga lalaki, lalo na sa ganitong environment, maraming kiss n tell, sa mga inuman, sa mga lakaran, pataasan ng
ihi, patigasan ng titi, kung sino pinakamaraming nasibak na babae sa floor, un ang pinakabida. hindi na binigyan ng dignidad ang kung sino mang babae na nakasama sa ganung ka pribadong moment. minsan kwentong kutsero lang din masabi lang na may naganun din sila. at ang mga babae, minsan naman kse, willing victim, proud pa nga to
say na uh "potah, lousy lover yan e." at may kasamang hagighik. ung
mga ganun na ginagawang butt of jokes sa kwentuhan ang kalaswaan. to be fair, sa mga ganun eksena, sana naman pag may pangyayaring aksidente na may nangyayaring sekswal libog man o pagmamahal, sana magkaron man lang sila ng respeto sa isa't isa. hindi ung kabilaan ang mga negative na publicity. kase sa mga taong may respeto sa sarili na nakakarinig, mejo nakakabastos at saka
offensive at nakakaculture shock. lalo na pag mejo sheltered ka at ang gusto mo lang naman e magtrabaho to be responsible, to earn money in a decent manner e siyempre nakakailang din. pero siempre rule number 1 in stepping the call center environment, dapat flexible. nakakasuka man minsan ang kultura at pulitika,no choice na lang.
siguro din, ang malawakang pagkawala ng respeto sa puntong sekswalidad ay outlet na lang ng iba ng hindi maramdaman ang kaway ng boredom.o di kaya ganun lang siguro talaga kababoy ang mundo.
marahil nahawa na sa mga pagmumura ng mga letseng amerikanong nakakausap gabi gabi. o bka nahirati na rin sa kulturang banyaga komo un nga lagi kausap. gayunpaman, sa kabila ng mga di kanais
nais na pangyayari sa call center industry, sa kabila ng napakahirap na graveyard shift, sa kabila ng putang inang tax na napakalaki at sa kabila ng pagiging "haven of immorality" ng ganitong lugar, patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga tao dahil na rin kapos sa sweldo sa ibang kumpanya, hindi mapantayan ang rate na ibinibigay ng call
center. tang ina walang dapat sisihin kundi ang kahirapan. sa imbing mga ngiti naming mga ahente na umiinom ng kape sa starbucks o di kaya lumalaklak ng alak sa mga bukas na bar sa umaga, masisinag mo ang nakatagong kalungkutan.
at oo, minsan hanggang sa pagtulog ko, dala dala ko pa din ang spiel ko...
This was made by one of my good colleagues ko, she wants to speak her mind. When i read this, i didn't mind those bad words. besides, this article is true with only bad words as "flowery words"Take note. We are not in a call center... We are in a MARKETING FIRM---well, close to call center.hehehe
If you want to talk with the maker of this article, just tell me ok kasi close kami eh. hehehe.
P.S. reality sure can be hurting