dito ako ngayon sa haws ng friend ko. may pinag uusapan sila ng importante doon sa labas kaya andito lang ako loob ng kuarto at nag iinternet. hindi ko alam ang pinag uusapan nila pero kung ano man un, ayoko ko ng malaman.

casual akong tao. ewan kung ano ang mangyayari. bahala na. i too am confused. help...
Posted by junkboy on April 6, 2008 at 10:44 PM | 2 APPLAUDED
our family started taking care of pets when i was i think in my kindergarten years. at dahil hindi maarte ang parents ko, ok lang sa kanila na mongrel ung alagaan namin. hmmm...for those na hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng MONGREL breed....ASKAL po sia. haha!! at ayun...we had our first mongrel dog. si Lassie. naks! kasi uso pa si Lassie before eh. kaya, nakisabay naman kami sa uso. niahaha!

he was our first pet talaga kaya naalala ko pa sia. I wasnt a good owner back then. sobrang sinasaktan ko ung aso na un kasi sa sobrang gigil na gigil ako. at wag ka...out of this world ang pananakit ko sa kanya. may lalagyan ko sia ng panipit sa dalawang tenga nia, lagyan ko ng lastiko ang bibig nia. etc.etc. grabe! napaka sadista ko talaga. pero mahal ko un..siguro sobrang gigil na gigil lang talaga ako. anyhoo,naf of that dog. more than 1 decade na rin un.

after that, marami rami na rin ang naging alaga naming aso... pero ang i memention ko ngaun ay ang hindi ko makakalimutang aso sa aking buhay.

* si echegaray...
yup! askal sia at yan ang pangalan nia. eto talaga ang hindi ko makakalimutang aso kasi eto ang naging defendant namin nung nakatira pa kami sa purok na puno ng mga addict (pero masaya). eto talaga ang ang kilabot sa lahat ng mga aso dun. naalala ko pa nung araw... pag may pasaway na bata dun sa amin, yung popular na line na sinasabi ng mga nanay, "sige ka! magpasaway ka at kakagatin ka ni echegaray". hala! akalain mo ba naman! haha!!!! namatay un kasi sa sobrang tanda na. natural death ika nga.

* si Jessa Z.
Jessa Z as in Zaragoza. haha! kasi uso si Jessa nung time na un eh. ung parang di ko yata kaya nia na kanta. kaya ayun. may pagkamanyak yun. ewan ko nga ba. parang taong ewan. haha!!! pero may bad habit kasi sia eh. ayoko ng sabihin pero may bad habit sia. haha! masayahin sia at napaka amo naman pero astig dun to kasi mahilig din sia sa rambol. survivor din tong lokang to. hai...ang ikinamatay nia naman ay old age din. pero nagpakamatay sia sa kalsada. kaya aun. hai si Jessa.

* si Goldah Grace aka GOLDI
Ang first naming labrador na aso. Sobrang cutie cute cute talaga un! at sobrang ma amo. mahilig sia sa harutan. hainaku...namimiss ko nga un. kaso lang, mahina kasi ung immune system nia eh kaya nagkaroon sia ng jaundice kaya nag yeyellow sia. sia ung first naming aso na nakapunta sa vet hospital at nagpa confine. haha!! ansaya kasi bumibista talaga kami. eto ang hindi ko makakalimutang scene sa vet hos.
vet: sir, i coconfine po natin ung aso.ano po ung pangalan?
jenmai: Goldah Grace
vet: (tingin lang sa akin ng matagal)... uhmm, ano po ung nickname nia?
jenmai: Goldi
vet: (tingin lang ulit sa akin ng matagal)
sumalangit nawa.

*si BBgirl
ang spitz naming aso. spitz nga pero asal askal naman. pero eto, fight til the end ito. kaya mahal na mahal ko talaga to.
sobrang magpapakamatay to para sa amin. well, feeling ko lang. haha! pero sobrang mahal na mahal ko itong aso na to. buhay pa pala sia at may anak na. haha!

*at ang pinakabagong adisyon, sina BOchok at Buchik
ang mga relatives ni bbgel. spitz pomerenian naman sila. ankulet ng mga asong to. astig sila kasi pag ang isa ang bad mood, bad mood din ung isa. magkapatid sila pero parang kambal na rin eh. buhay pa rin sila ngaun.

*at ang kukunin ko pa this weekend, Si MING MING JOSEP
take note ha! lalaki sia. haha! shi tzu naman ito. wala pa akong masasabi pero napa mahal na ang asong to sa akin. haha! binenta sakin ng friend ko sa church. ang gara nga eh. mura kaya kukunin ko at saka gusto ko rin na may aalagaan ako dito sa manila. im excited na ming ming josep. teka, MING MING JOSEP talaga ha. and yep, walang letter h. ganun un.

hai dogs...i love pets. and i also love naming them! haha!! kasi gusto ko, out of this world ung mga pangalan nila. it makes them astig. at makikilala talaga sila. kaya sa pamilya namin, ako ang dog namer talaga. whenever they have new dogs, tawag sila sa akin at pag isipan ko kung ano ang ipapangalan sa kanya. haha!!!
Posted by junkboy on April 3, 2008 at 09:47 PM | 3 APPLAUDED
help!! i need financial advices! im having trouble with money.
help! advice!
Posted by junkboy on March 26, 2008 at 10:02 PM | 1 APPLAUDED
san ka ba dito?

ibat-iba ang mga resulta na makukuha ng tao kung ito ay nakakainom ng alkohol. marami na akong' drinking sessions' na nasalihan and i, too, have had my experience of drunkiness. hehehe. at dahil jan, eto ang mga iba't-ibang klase ng mga lashingero kong prends:

1. lasenggerong talakero/talakera
- ito ang klaseng tao na kapag nakatama ng alcohol, ay nawawala sa control ang bunganga at wala talagang makakapigil sa kanyang pagsasalita. ang masaya sa ganito kasi, malalaman mo talaga lahat ng gusto mong malaman as long as you ask this person. haha!!! pero ang pangit naman is, kapag may sikreto ka na sinabi sa kanya, 70% chances na mabubulgar ito. at sobrang bastos ito. split personality kumbaga. IKAW BA TO?

2. lasenggerong tahimik
-ito naman ang klaseng lasing na medyo nakakaalarma. kasi, tahimik lang sia. minsan, parang hoodlum ang mukha na tila'y may planong pumatay o mang rape ng babae at minsan naman ay parang nasa kawalan na feeling mo ay malapit ng mawala sa sarili. ang gagawin lang nia pag natamaan na ay pipikit pikit, nasa isang sulok lang at tahimik...masaya din to kasi pag wala kang makakausap at gusto mong magbuhos ng sama ng loob, candidate talaga to! tested and proven na. at eto din. 30-40% lang ang matatandaan nia sa sinabi mo. in short, kung meron kang top secret na kelangan lang talagang i express, kailangan mo sia. hehehe. IKAW BA TO?

3. lasenggerong bayolente
-ay ito...ito ang pinakapangit. kasi naman, naglalasing to ang taong to para confident sia sa lahat ng gagawin nia. at dahil jan, mag fefeeling feelingan siang malakas at kung si sinong tao jan. eto ang ikakasama ng mga lakad kasi mag ccause talaga ito ng trouble at dahil jan, mapapa away kau at mababadtrip ang mga kasamahan. although sa lahat sa mga klaseng lasenggero, eto ang pinaka badtrip sa lahat. IKAW BA TO?

4. lasenggerong englishero
- ito ay ang sosyal na ewan na klaseng lasenggo. pag nalasing ang taong to, hala ka...maghanda ka ng dictionary at may maririnig kang mga words na out of this world at dudugo ang mga ilong sa trip ninyo!!medyo ok lang to kasi ang issue dito ay english. now, kung ikaw ay kaibigan ng mga ganito, at hindi ka marunong mag english, lumayo ka na...mapapahiya ka lang o d kaya, hindi kau magkakaintindihan. IKAW BA TO?

at eto ang mga klaseng results na nakikita ko sa isang 'drinking session'. ako, number 1 at 4 ako. ewan. haha!!! ansaya na ewan. haha! ganyan na ata ako eh. manang mana daw ako sa tatay ko kasi ganun din sia. haha! i thank you!

ikaw? san ka na belong?
Posted by junkboy on March 17, 2008 at 10:02 PM | 4 APPLAUDED
at eto ako ngayon, bangag na bangag sa trabaho ulet. that is why i've decided to blog na lang para solb ang araw ko and you guys can also get to read this.

eto na!!!

coming from quezon city going to ortigas can sure be very tough!! journey talaga sia from overpass, mrt, then overpass,then lakad puntang office. arg!!!!
And because of that, I managed to entertain myself kung nag bibiahe ako.

at dahil jan, eto ang mga nakikita kong mga mukha sa kalye:

*bata na sumasayaw sa pole ng MMDA.take note, pole dance ang ginagawa ng mga bata...bata to ha na 3-4yrs old. their mother is beside them waiting for the jeep. daming dumadaan na jeep.

tanong: bakit hinahayaan lang to ng nanay nila na sumayaw sila ng ganun? proud ba sia na nakikita ang mga anak niya na sumasayaw sa kalye? hai...

*bulag sa qc ave na ang galing kumanta. ang sobrang galing nia talagang kumanta. I can tell because I am also in to this field. ang ganda talaga ng boses nia. kuhang kuha din nia yung mga kulot2x ng boses. astig talaga!

tanong: meron siang talento...bakit sa kalye lang sia?? malapit naman ung ABS CBN dun. sana pumunta n lang sia dun at dun kumanta para at least, may career na sia, may pera pa sia.

eto lang ang mga samting2x na naglalaro sa isip ko. hehehe...oh well, this is manila.

Posted by junkboy on March 11, 2008 at 10:00 PM | PSSST!
« Newer · »